Araw ng pasko, medyo tanghali na ko nagising mga 10:30am ata,basta. Tinanghali na ko ng gising dahil inumaga na kami sa pagdiriwang ng pasko sa Laguna. Pagkagising ko syempre hilamos,mumog and everything na ginagawa pagkagising. Sabi ng tita ko punta daw kami ng SM kasama ang aking mga pinsan. Gumayak naman kaming lahat. Eto na, pagdating namin sa SM may inasikaso muna si tita. Pagkatapos asikasuhin ang dapat asikasuhin humanap naman kami ng makakainan dahil gutom na kami, mga 1:00 pm na siguro nun. Syempre dun kami kakain sa mga sikat na fast food chain. Pumunta kami sa Jolibee, box office ang pila at di mahulugang karayom,edi alis kami. Next stop Mcdo, ganun din ang sitwasyon, sibat kami. Nasa Chowking naman kami, halos ganun din ang sitwasyon pero ginawan na lang namin ng paraan para makakain lang. May kinausap kaming mga tao na kumakain dun na halos kakasimula pa lang sa pagkain nakiusap kami na pwede bang kami ang pumuwesto doon sa lugar nila pagkatpos nilang kumain, mabuti naman at pumayag sila. Naghintay kami hanggang matapos sila sa pagkain. Pagkatapos nilang kumain syempre umupo na kami. Sabi ko sa sarili ko "Sa wakas makakakain na din". Umorder na si tita, ang ganda ng pagkakaupo naming magpipinsan tapos pagbalik ni tita ang pwede nalang daw na ma-order ay noodles. Syempre 'di naman ata maganda na noodles lang ang kainin namin para sa lunch kaya umalis kami. Ang tagal namin naghintay tapos ala ding nangyari dun,sayang effort. Gutom na gutom na talaga kami nung mga oras na iyon pero hanap pa rin kami ng makakainan. Sana last try na dito,Tokyo tokyo, maluwag naman kaya nakaupo na agad kami, buti naman at makakakain na kami ng masarap na kanin,karne at kung anu-ano pa. Ang dami kong nakain,sobra,syempre gutom na gutom na ako nun. Biruin mo 3:00pm na kami nakakain ng lunch. Pagkatapos mag-lunch balik na ulit sa pamamasyal at naging maganda naman ang mga sumunod na nangyari.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento