Araw ng pasko, medyo tanghali na ko nagising mga 10:30am ata,basta. Tinanghali na ko ng gising dahil inumaga na kami sa pagdiriwang ng pasko sa Laguna. Pagkagising ko syempre hilamos,mumog and everything na ginagawa pagkagising. Sabi ng tita ko punta daw kami ng SM kasama ang aking mga pinsan. Gumayak naman kaming lahat. Eto na, pagdating namin sa SM may inasikaso muna si tita. Pagkatapos asikasuhin ang dapat asikasuhin humanap naman kami ng makakainan dahil gutom na kami, mga 1:00 pm na siguro nun. Syempre dun kami kakain sa mga sikat na fast food chain. Pumunta kami sa Jolibee, box office ang pila at di mahulugang karayom,edi alis kami. Next stop Mcdo, ganun din ang sitwasyon, sibat kami. Nasa Chowking naman kami, halos ganun din ang sitwasyon pero ginawan na lang namin ng paraan para makakain lang. May kinausap kaming mga tao na kumakain dun na halos kakasimula pa lang sa pagkain nakiusap kami na pwede bang kami ang pumuwesto doon sa lugar nila pagkatpos nilang kumain, mabuti naman at pumayag sila. Naghintay kami hanggang matapos sila sa pagkain. Pagkatapos nilang kumain syempre umupo na kami. Sabi ko sa sarili ko "Sa wakas makakakain na din". Umorder na si tita, ang ganda ng pagkakaupo naming magpipinsan tapos pagbalik ni tita ang pwede nalang daw na ma-order ay noodles. Syempre 'di naman ata maganda na noodles lang ang kainin namin para sa lunch kaya umalis kami. Ang tagal namin naghintay tapos ala ding nangyari dun,sayang effort. Gutom na gutom na talaga kami nung mga oras na iyon pero hanap pa rin kami ng makakainan. Sana last try na dito,Tokyo tokyo, maluwag naman kaya nakaupo na agad kami, buti naman at makakakain na kami ng masarap na kanin,karne at kung anu-ano pa. Ang dami kong nakain,sobra,syempre gutom na gutom na ako nun. Biruin mo 3:00pm na kami nakakain ng lunch. Pagkatapos mag-lunch balik na ulit sa pamamasyal at naging maganda naman ang mga sumunod na nangyari.
Martes, Enero 3, 2012
Magkabilaan(Repleksyon)
Base sa aking mga pagpuna, nalaman ko na ang bawat bagay sa ating mundo ay may kasalungat o kabaliktaran na kaakibat. Minsan alam natin na nasa maganda tayong sitwasyon pero hindi pala natin alam na may mga bagay tayong hindi nakikita na siyang nagiging balakid o pagsubok sa atin pagdating ng tamang panahon. Sa bandang huli ng kanta, napansin ko na tinatalakay dito ang lipunang ating ginagalawan. Siguro ibig sabihin ng kanta sa bandang huli ay huwag tayong malungkot o mawalan ng pag-asa kahit pangit o 'di maayos ang lipunan natin ngayon dahil maaari pa itong magbago at ang pagbabagong ito ay nakasalalay sa ating sariling mga kamay.
Pamahiin(Malayang Paksa)
Ang mga Pilipino ay maraming mga pinaniniwalaang kung anu-anong mga bagay. Iba't-ibang kaugalian, kasanayan, paniniwala at kultura na namana pa natin sa ating mga ninuno na unti-unting nababago dahil sa pasalin-salin na din ito sa iba't-ibang bibig ng mga tao. Isang halimbawa na nito ang mga pamahiin na dala-dala pa din natin hanggang sa kasalukuyan at patuloy [a rin nating pinaniniwalaan.
Ano nga ba ang tinatawag na pamahiin? Ang pamahiin ay isang kaugalian o bagay na ating pinaniniwalaan, dahil ito ay may kaakibat na kahulugan, mabuti 'man o masama, malas 'man o swerte. Sa iyo nakasalalay ang mga mangyayari sa iyo dahil kapag sinunod mo maganda ang kalalagyan mo at kung hindi mo naman susundin, syempre medyo mamalasin ka. Maraming mga pamahiing pinaniniwalaan tayong mga pilipino tulad ng: bawal magwalis tuwing gabi dahil ilalabas mo ang swerte kapag nagwalis ka, bawal isukat ang damit pangkasal bago pa 'man ang araw ng kasal dahil maaaring hindi matuloy ang kasal , mamalasin ka kapag nakakita ka ng itim na pusa, huwag matutulog ng basa pa ang buhok dahil mabubulag ka, huwag magbasa sa mga madidilim na lugar dahil lalabo daw ang paningin, kapag nangati ang iyong kaliwang palad puro gastos ang gagawin mo pero lapag kanang palad naman ang nangati may perang darating sa iyo.
Iba't-ibang pamahiin, iba't-ibang kundisyon o pangyayari. Para sa akin malaki ang epekto nito sa ating pamumuhay dahil halimbawa, napakadumi ng inyong bahay pagsapit ng kinagabihan, syempre magwawalis ka, alangan namang hayaan mong madumi ang inyong bahay. Kung dati-rati ay sinusunod mo ang pamahiin ngunit ngayon nakuha mo na itong suwayin kasi nga kailangan na talaga. Ito pa ang isang halimbawa, nakakita ka ng itim na pusa at dahil nga naniniwala ka sa mga pamahiin alam mo na mamalasin ka kaya halos ma-depress ka na sa kakaisip sa mga maaaring mangyari na kamalasan sa iyo, pero kung hindi ka naniniwala syempre babaliwalain mo lang ang nangyari kaya wala kang iniisip na mga bagay-bagay at malaya ka pa ding ginagawa ang gusto mo. Kahit gusto natin na gawin ang isang bagay na talagang kailangan nating gawin, parang kailangan pa nating isipin na baka maganda o 'di maganda ang kalalabasan ng ating gagawin dahil sa pamahiin na ating pinaniniwalaan. Gagawin na lang sana pero hindi pa na tuloy.
Ang paniniwala sa mga pamahiin ay nasa sa ating kagustuhan. Kung gusto mong maniwala bahala ka, walang pumipigil sa iyo at kung ayaw mo namang maniwala 'di wag,hindi ka naman pinipilit. Amg pilipinas naman ay isang malayang bansa kaya malaya kang pumili at gawin ang anu mang gustuhin mo pero kung may gagawin ka mang mga bagay, siguraduhin mo na wala kang naaabala o 'di kaya ay naiistorbo na kapwa mo tao. Sana din ay huwag natin ibase sa nga pamahiin ang mga bagay-bagay sa ating paligid dahil ang mga pamahiing iyan ay wala talagang tamang eksplenasyon, basehan, o pruweba na kapag ginawa mo ito o iyon ay mangyayari sa iyo ito o iyon at saka huwag kaagad maniwala kung hindi mo pa nasasagawa o nasusubukan, kapag nasubukan mo na o 'di kaya ay nakakita ka ng ganoong mga pangyayari, dun ka pa lang siguro maniwala.

Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)